Ni: Orly L. Barcala

Patay ang isang fire volunteer matapos pagbabarilin ng kanyang kasamahan, habang nagbaril naman sa sarili ang huli nang makita ang mga aarestong pulis sa Navotas City kamakalawa.

Dead on the spot si Orlando Narag, Jr., 38, ng Barangay San Jose ng nasabing lungsod, dahil sa mga tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa katawan.

Nagbaril naman sa sarili ang suspek na si Roseller Felix, 47, kalugar ng biktima.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Una rito, pinuntahan ni Narag si Felix sa Navotas fire station upang kumprontahin ngunit wala roon ang huli.

Nabalitaan umano ni Felix na hinahanap siya ni Narag kaya pinuntahan niya ito sa bahay, bandang 11:00 ng tanghali.

Nauwi sa pagtatalo ang pag-uusap ng dalawa hanggang sa bumunot ng baril si Felix at pinaputukan si Narag.

Umuwi ang suspek, at makalipas ang ilang saglit ay may mga pulis na nagtungo sa kanyang bahay upang siya ay arestuhin hanggang sa umalingawngaw ang putok ng baril at nadiskubre ang bangkay ni Felix.

Inaalam na ng awtoridad ang sanhi ng pag-aaway ng dalawa.