ni Marivic Awitan

Mga laro ngayon (Ynares Sports Arena, Pasig)

3 n.h. -- Gamboa Coffee Mix vs Marinerong Pilipino

5 n.h. -- AMA Online Education vs Tanduay

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

PALAKASIN ang kanilang tsansa para sa No. 2 spot na may kaakibat na outright semifinals berth ang tatangkain ng Tanduay habang patuloy namang buhayin ang pag-asang umusad sa quarterfinals ang hangad ng Marinerong Pilipino sa pagsalang nila ngayong hapon sa 2017 PBA D League Foundation Cup.

Unang sasabak sa dalawang koponang nabanggit ang Skippers kontra ousted ng Gamboa Coffee Mix ganap na 3:00 ng hapon na susundan ng Rhum Masters at eliminated na ring AMA Online Education ganap na 5:00 ng hapon.

Nasa ikatlong puwesto sa kasalukuyan ang Tanduay hawak ang markang 6-2, isang panalo lamang ang pagkakaiwan sa pumapangalawang Cignal na may barahang 7-2.

Magsisilbi lamang na spoiler ang papel na gagampanan ng katunggali nilang Titans (1-7)na nauna nang nalaglag sa kontensiyon kasama ng Zarks Burgers, (1-8) Gamboa Coffee Mix (1-7) at Racal Motors(3-5).

Manggagaling ang Rhum Masters sa 93-81 paggapi sa Wang's Basketball para sa ikatlong sunod nilang tagumpay na pormal na nagsalta sa kanila sa quarterfinals.

Sa ngayon, hindi iniisip ng Tanduay ang top 2 spots dahil naka focus sila sa intensiyon ipanalo ang mga nalalabing laro.

"We have to stay sharp. "Yung focus dapat nandoon lalo na sa transition defense and we're really putting emphasis on the team's collective focus, " pahayag ni Tanduay coach Lawrence Chongson.

"We've got to sustain the momentum.I've been here long enough and we know how it works, " aniya.

Parehas ng Titans, magtatangka ring maka -upset ng Coffee Lovers para sa hangad na magandang pagtatapos sa una nilang pagsali sa liga.