Ni NITZ MIRALLES

HINDI pa pala tapos ang isyu nina Ahron Villena at Cacai Bautista dahil may pahabol at mas mahabang post si Ahron sa Facebook tungkol pa rin kay Cacai, bagamat hindi pa rin binabanggit ang pangalan ng huli.

Inulit ni Ahron ang pangpi-friendzone kay Cacai. Kaya ang payo ng supporters ni Cacai, iligwak na niya sa isip at puso si Ahron at mag-move on na siya.

Ahron at Cacai copy

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“This will be the last time na magsasalita ako about sa issue na ito. May mga ilang taong pumuna sa post ko.

Karamihan dito mga hindi ko personal na kilala. May mga ilang personal friends din naman who encouraged me to speak out kasi kilala nila kung sino ako. Mayroon din namang iba na nakisali sa gulo. Sabi I deserve to be outed because namahiya ako. Yes, the words I used in an earlier post related to this matter are quite strong. But those were not intentional. I am angry, and the words that came out are those of an angry person. I apologize if I became offensive but everything I said are true.

“I personally believe that I did the right thing in having my voice heard because I refuse to let my reputation be abused by a person who finds it convenient to use me for the promotion of her upcoming show. Those were honest words of an angry guy meant to express one’s feeling but not to shame anybody.

“Ngayon heto na naman ako. Defending not my sexuality like what she intentionally implied, because some of you have obviously formed your own opinion base on what you want to believe. Pero gusto ko lang ihinga ang inis ko sa pagkakadawit ng pangalan ko sa promotion niya.

“Nahimasmasan na ako ng konti. Inis ako pero hindi na galit. So if you expect me to say something bad just because she has attacked my reputation, I won’t, in fact, I simply would like to say that I’m sorry dahil hanggang ngayon pala may sama pa rin yata siya ng loob sa akin. Sama ng loob na akala ko wala na dahil ‘yung huli namin pagkikita ay nagbiruan pa kami at nagpahatid pa nga siya sa akin.

“At any rate, naniniwala ako that the malicious words she has stated simply stems out of sadness or bitterness of the fact that there was never an us. Sinasabi ko ito nang walang malisya o halong pang-iinsulto. I’m simply stating a fact na alam kong malinaw sa akin, sa mga taong nakapaligid sa amin, at akala ko sa kanya rin. If I was not clear enough I’m sorry. We were friends and I thought it was a good friendship. Para sa akin isa siyang kaibigan at mananatili siyang kaibigan especially when the time has come that she is able to let go of her other feelings but focus on the great friendship that we had.

“For now I will find it in my heart to forgive her, we all know that those words were only uttered because she continues to be hurt.”

Nagaganap pa rin ang sagutan o parinigan sa social media nina Ahron at Cacai pagkatapos silang pagbatiin ng isang common friend.

Para sa mga hindi pa nakakaalam ng ugat ng away, hindi kasi nagustuhan ni Ahron ang isinagot ni Cacai sa interview ng TV reporter tungkol sa kanila ni Ahron. Sumagot si Cacai ng, “Alam ko naman ‘yun, and accepted ko naman kung ano man siya. Ganu’n ka naman ‘pag nagmamahal ng tao, di ba? Lahat ng kahinaan, tatanggapin mo. At lahat ng kalakasan, iaangat mo.”

Iba ang dating noon kay Ahron na nag-tweet ng, “Tanggap mo kung ano ako? Saan galing ‘yun? Bakit, ano ba ang alam mo sa pagkatao ko? Naging tayo ba? Ako, ang alam ko NEVER naging tayo. Nanahimik ako kasi marunong akong rumespeto ng babae. Pero siguro naman may karapatan din ako magsalita para maipagtanggol ko naman ang sarili ko.” Sinundan ‘yun ng isa pang tweet na, “There are always two sides to every story.”

Masakit pakinggan ang comment ni Ahron at marami ang nakisimpatiya kay Cacai. Dapat daw tinext o tinawagan na lang niya si Cacai para nakapag-usap sila at hindi na sa social media siya nag-comment.

After one day, nag-tweet si Cacai na obviously, sagot sa tweet ni Ahron. Sabi ni Cacai: “Wise men don’t waste their time and energy on insignificant things.”