Ni: Leandro Alborote

PANIQUI, Tarlac - Isang lalaking British at 37-anyos na kaibigan nito ang pansamantalang nakadetine sa pulisya makaraang magwala sa kalasingan at ilang beses na magpaputok ng baril na ikinabulabog ng mga residente sa Villa Socoro Street sa Barangay Poblacion Norte, Paniqui, Tarlac, nitong Huwebes ng gabi.

Ayon kay PO2 Jomel Fernando, inaresto sina Irfan Badat, 37, British; at Joemerly Obcena, 37, kapwa residente sa nasabing lugar.

Nakarekober ang pulisya ng sampung basyo ng .9mm caliber na sinasabing pinaputok ng dalawang suspek mula sa ikalawang palapag ng tinutuluyan nilang bahay sa Villa Socoro Street.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog