Ni: Francis T. Wakefield

Dalawang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang napatay at dalawang iba pa ang nasugatan nang makasagupa ng militar na nagtatangkang mag-rescue ng mga bihag ng grupo sa Sulu, nitong Huwebes.

Ayon kay Brig. Gen. Cirilito Sobejana, commander ng Joint Task Force Sulu, batay sa report na kanyang natanggap, nangyari ang sagupaan bandang 6:25 ng umaga.

Nabatid na nagsasagawa ng rescue operations ang 21st Infantry Battalion, sa ilalim mg JTF Sulu, sa mga bihag ng ASG nang makaengkuwento nila ang nasa 30 bandido sa Sitio Tubig Kawas sa Barangay Bungkaong, Patikul, Sulu.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Napatay sa bakbakan ang mga bandidong sina Benajir Intag at Bassal Mahalli.

Nasamsam ng militar sa lugar ng engkuwentro ang limang matataas na kalibre ng baril, na kinabibilangan ng isang K3 squad automatic weapon, isang M16A1 Colt na nakakabitan ng M203, at isang M653 Elisco na may M203.

Narekober din mula sa pansamantalang pahingahan ng Abu Sayyaf ang dalawang cell phone, tatlong solar panel, at walong backpack na may mga pagkain at mga personal na bagay.

“One of our soldiers was wounded and was immediately extricated by the responding troops to be given medical attention,” sabi ni Sobejana. “He is now on stable condition and is already recuperating.”

Batay sa huling datos ng militar, 285 miyembro ng ASG ang na-neutralize na sa Western Mindanao. Sa bilang na ito, 112 ang napatay, 103 ang sumuko, at 70 ang naaresto.