NAKOPO ng Philippine sepak takraw team ang isang silver at bronze medal sa regu event ng katatapos na 13th International French Open Sepak Takraw tournament sa Gran Est, northeastern France.

Kinapos ang men’s team nina John Carlo Lee, John John Bobier, Emmanuel Escote, at Regie Reznan Pabriga laban sa karibal na Thailand sa kompetisyon na ginanap sa Gymnase des Malteries sa Schiltigheim town.

Nasubi ng Thailand ang gintong medalya, habang bronze medalist ang China.

Tumapos naman na pangatlo ang women’s team nina Kristel Carloman, Mary Ann Lopez, Rizzalyn Amolacion, Jean Marie Sucalit, at Lhaina Lhiell Mangubat.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Pinangasiwaan ang koponan ni head coach Rodolfo Eco.

Ayon kay Philippine Amateur Sepak Takraw Association (PASTA) president Karen Claire Tanchanco-Caballero, ang torneo ay bahagi sa pagsasanay ng koponan sa pagsabak sa Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia sa Agosto.

“This [French Open] was intended as pre-SEAG exposure to help our athletes get better competition and boost their confidence, especially the ladies team. Our women players are new and need more exposure,” sambit ni Tanchanco-Caballero.

Kabilang sa koponan sa France na makakasama rin sa SEA Games sina Alex Pangan, Jason Huerte, Joeart Junawan, John Jeffrey Morcillos, Mark Joseph Gonzales, Rheyjey Ortouste, Rhemwill Catana, at Ronsited Gabayeron.