SAN ANTONIO — Liyebo 40 na si Manu Ginobili, ngunit wala pang bakas ng pagkalaos ang Argentinian cage legend. At kung pagbabasehan ang kanyang performance sa nakalipas na season, hindi pa ito ang tamang panahon para sa pagreretiro.

Bunsod nang kahilingan ng basketball fans, ipinahayag ni Ginobili sa kanyang Twitter account nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila) na magbabalik siya sa San Antonio para maglaro sa ika-16 na season.

“It felt like they wanted me to retire,” pahayag ni Ginobili matapos walisin ang Spurs sa Western Conference finals ng Golden State Warriors. “Like they were giving me sort of a celebration night. And of course, I’m getting closer and closer.”

Ngayon, pansamantala munang itinigil ang paghahanda sa kanyang pagreretiro.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Naitala ni Ginobili ang averaged 7.5 puntos at 18.7 minuto kada laro. Sa kanyang 15 season sa Spurs, kabilang siya sa top five sa kasaysayan ng prangkisa sa aspeto ng points (13,467), games (992), assists (3,835) at steals (1,349).

Edad 40 na ang 6-foot-6 guard sa Hulyo 28 at tila hindi pa panahon para tapusin ang kanyang career sa San Antonio na nagabayan niya sa pakikipagtulungan kina Tim Duncan at Tony Parker sa limang kampeonato.

“Timmy’s not a big rah-rah guy,” pahayag ni Spurs coach Greg Popovich. “He didn’t wave a towel. He would talk in timeouts. He’d put his arm around people. Manu and Tony have been more vocal in that regard. They talk to the team more than I do. They talk to individuals. They’ve really taken on that mantle and it’s helped,” aniya.