NI: Mary Ann Santiago

Hindi na kailangan pang magtiyaga sa mahabang pila ang mga nais humingi ng pinansiyal o medikal na tulong sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), dahil maaari na itong gawin online.

Sa pulong balitaan kahapon sa Mandaluyong City, inilunsad ng PCSO ang “Online Appointment System” o ang online application ng mga nais humingi ng tulong sa tanggapan.

Nangangahulugan ito na hindi na kailangan pang pumila nang sobrang aga at sobrang tagal ng isang pasyente o kamag-anak nito sa PCSO para lamang makahingi ng ayudang pinansiyal at medikal.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

“The PCSO Online Appointment System gives public an option to avail of the Individual Medical Assistance Program (IMAP) without the need of going to the PCSO office. The public can conveniently access the IMAP through the official website of the agency at www.pcso.gov.ph,” ayon kay PCSO General Manager Jose George Corpuz.

Ayon kay Corpuz, kailangan lamang na ibigay ang personal na impormasyon at ang partikular na kinakailangang tulong, at pagkatapos ay magbibigay ng detalye ang PCSO kung sinong tao ang kakausapin at kailan dapat magsumite ng mga kinakailangang dokumento.

Nilinaw naman ni Corpuz na maaari pa ring pumila ang gustong pumila sa tanggapan ng PCSO.