Ni: Beth Camia

Inaprubahan na ng North Luzon Railways Corporation (NorthRail) Board ang nominasyon ni dating Manila Vice Mayor Isko Moreno bilang bago nitong chairman at CEO.

Hulyo 12, 2017 nang italaga ni Pangulong Duterte si Moreno bilang miyembro ng NorthRail Board, pero kahapon lang inihayag ng Malacañang ang kanyang nominasyon at appointment bilang chairman.

Ilang oras makalipas ang pahayag ng Palasyo ay nagpadala ng mensahe si Moremo para kumpirmahing siya na ang bagong chairman ng NorthRail Board.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Natalo nang kumandidatong senador noong Mayo 2016, sinabi rin ni Moreno na aprubado na ng Bases Conversion Development Authority (BCDA) ang kanyang posisyon.

“I am grateful to President Duterte for giving me a chance again to go back to public service. As for expectations for the job, that I don’t know yet. I’m now on my way to Balara office (of NorthRail) to work agad. Magre-report na ako agad para walang masayang na oras sa taumbayan,” pahayag ni Moreno.