Ni: Anna Liza Villas-Alavaren

Pagkatapos isara ang mga terminal sa Quezon City, naghahanda na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa sunod nilang pupuntiryahin: ang bus terminals na ilegal ang operasyon, sa pagkakataong ito, sa Pasay City.

Sa pamumuno ni MMDA Chairman Danilo Lim, kasama ang mga tauhan ng lokal na pamahalaan ng Quezon City at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), inilabas ang closure orders laban sa dalawang bus terminal ng Dimple Star; Roro bus terminal; at cease and desist order sa DLBT Co. sa Timog Avenue.

Isinilbi ang closure orders sa kabiguan ng mga ito na tumalima sa standards na itinakda ng Board sa operasyon ng mga pasilidad.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Dimple Star is utilizing their garages as terminal. They pick up and unload passengers at their garages with no roofs, comfortable seats. It does not have barangay permit and clearances from the local government,” sabi ni Lim.

Pinansin din ni Lim na ang mga bus terminal ay walang concrete pavement at flooring at wala ring bubong na masisilungan ng mga pasahero.

Ang ilan sa mga terminal na kanilang ininspeksiyon ay ginagamit hindi bilang terminal kundi bilang garahe.

Sinabi ni Lim na pupuntiryahin din nila ang marami pang mga pasaway terminal sa EDSA at Buendia Avenue sa Pasay.

“We have received complaints against terminals in Pasay. That will be our next target,” sabi ni Lim.