Ni: Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Mapua gym-Intramuros)

2 n.h. -- Mapua vs Perpetual (jrs/srs)

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

MAGAMIT ang homecourt advantage para sa target na back-to-back na panalo ang puntirya ng Mapua sa nakatakdang pagsagupa sa University of Perpetual ngayon sa NCAA Season 93 Tour sa Mapua gym sa Intramuros, Manila.

Tatangkain ng Cardinals na dugtungan ang natamong panalo sa ikalawa nilang laban nitong Hulyo 11 kontra Letran, 78-75 habang maghahangad naman ang katunggaling Altas na makabangon sa dalawang sunod na pagkabigo, una ang dagok na forfeiture sa panalo nila kontra St. Benilde na sinundan ng pagkatalo sa kamay ng Jose Rizal University(58-64).

Muling sasandigan ni Mapua coach Atoy Co ang super senior na si Andrew Estrella upang pamunuan ang Cardinals sa inaasam na ikalawang sunod na panalo.

Matatandaang si Estrella ang bayani sa nakaraang panalo nila kontra Knights matapos ang kanyang game winner may natitira na lamang limang segundo sa laban.

Magkukumahog naman ang Altas na makaahon mula sa kinalalagyan sa ilalim ng team standings.

Inaasahang mag-i-step-up upang iahon ang Perpetual sa buntot ng standings ang mga beteranong sina Gab Dagangon, GJ Ylagan, AJ Coronel, Keith Pido at Prince Eze.

Mauuna rito, tatangkain ng defending juniors champion Mapua ang ikatlong sunod na panalo sa pagtutuos nila ng Junior Altas upang makasalo ng kasalukuyang lider na La Salle Greenhills sa pangingibabaw sa team standings.