Ni: Beth Camia

Sa anunsiyo ng Palasyo, mayroong siyam na long weekend na aasahan sa susunod na taon, base sa Proclamation No. 269 na nagdedeklara ng mga regular at special non-working holidays.

Maliban sa taun-taon nang regular at non-working days, nagdagdag pa ng dalawang holiday ang Malacañang– ang Nobyembre 2, Biyernes, at Disyembre 24, Lunes.

Narito ang kumpletong listahan ng regular holidays sa susunod na taon: New Year’s Day, Maundy Thursday, Good Friday, Araw ng Kagitingan, Labor Day, Independence Day, National Heroes Day, Bonifacio Day, Christmas Day, at Rizal Day.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Special non-working days naman ang mga sumusunod: Chinese New Year, EDSA People Power Revolution Anniversary, Black Saturday, Ninoy Aquino Day, All Saints Day, Last Day of the Year.

Special non-working days naman ang Nobyembre 2 at Disyembre 24.