Ni: Francis Wakefield at Beth Camia

Inihayag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff General Eduardo Año na magsasagawa ng pinal na operasyon ang puwersa ng gobyerno upang tuluyan nang malipol ang ISIS-inspired na Maute Group sa Marawi City.

Sinabi ito ni Año nang ma-ambush interview siya ng mga reporter sa paglulunsad ng bagong aklat ni dating Pangulong Fidel V. Ramos na “Make Change Work” sa Camp Aguinaldo, Quezon City, nitong Lunes.

Sinabi ni Año na batay sa mga ulat na kanyang natatanggap mula sa kanilang field commanders, naisagawa na ng mga tropa ng pamahalaan ang clearing operations sa panibagong 50 gusali at nakapatay ng walong Maute terrorists nitong weekend.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Gayunpaman, dalawa pang sundalo ang napadagdag sa casualty list.

Sinabi rin ni Año na batay sa kanilang operasyon, araw-araw ay patuloy na sumisikip ang lugar na okupado ng Maute Group.

“Slowly, kumokonti na lang ‘yung building na hawak nila. We were able to secure one tall building the other day, malaking factor ‘yun,” sabi ni Año.

“Less than one square kilometer ‘yung area na pinaglalabanan natin, but we cannot neglect or bypass buildings. It’s fatal and dangerous to our soldiers and to the trapped civilians,” dagdag niya.

Sinabi rin ni Año na hindi sila nagtatakda ng panahon kung kailan tuluyang matatalo sa Marawi City ang mga teroristang Maute upang hindi magkaroon ng pressure sa mga tropa ng pamahalaan sa lugar.

Samantala, naglabas ng travel warning ang United States sa mga mamamayan nito na bibiyahe sa ilang lugar sa Pilipinas.

Nagbabala ang US State Department sa mga mamamayan nito na iwasan ang Marawi City at Sulu.

Dahil ito sa banta ng pagdukot sa mga banyaga ng mga terorista at mga rebeldeng grupo.

Kinakailangan din munang kumuha ng “special authorization” mula sa US Embassy ang mga tauhan ng gobyerno ng US.