Ni: Ellson A. Quismorio

Lumalalim ang kuwento.

Inamin ni House Committee on Justice Chairman, Oriental Mindoro 2nd district Rep. Reynaldo Umali kahapon na nakatanggap siya ng kahilingan mula sa isang partido para sa kopya ng statement of assets, liabilities and net worth (SALN) ni Vice President Leni Robredo.

LENI/5OCT2016 At her office in New Manila, Quezon City, Vice President Leni Robredo holds a press conference regarding the upcoming Partnerships for Poverty Summit on Oct 10, which will  connect the private and public sectors in order to come up with development programs which will address the specific needs of the various LGUs. MB PHOTO/FEDERICO CRUZ
LENI/5OCT2016 At her office in New Manila, Quezon City, Vice President Leni Robredo holds a press conference regarding the upcoming Partnerships for Poverty Summit on Oct 10, which will connect the private and public sectors in order to come up with development programs which will address the specific needs of the various LGUs. MB PHOTO/FEDERICO CRUZ

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Ibinunyag ito ni Umali isang araw matapos ibahagi ng kapwa niya mambabatas sa oposisyon na si PBA Party-List Rep. Jericho Nograles ang impormasyon sa isang panayam sa radyo na tatlo pang impeachment complaint ang inihahanda laban kay Robredo.

“I’ll tell you...Mayroong request for SALN ni Leni. She is no longer a member of Congress now. May jurisdiction ba kami? Will Congress release it?” ani Umali sa impromptu press conference sa House of Representatives (HOR).

“She is no longer under the jurisdiction of the House of Representatives. She is already part of the executive, she is the Vice President. How do we deal with this?”

Hindi pinangalanan ni Umali, pinuno ng House SALN Review Committee, ang parehong indibidwal o grupo na humiling ng SALN ng Vice President.

Sinimulan ni Robredo, chairperson ng Liberal Party (LP), ang taon bilang kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte, matapos siyang paalisin sa Cabinet bilang housing czar noong Disyembre 2016.

Matagal nang ipinapalagay na sapat ang bilang ng mga kaalyado ni Duterte sa Kongreso, partikular ang mga nasa ilalim ng supermajority bloc na pinamumunan ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP–Laban) para madaling maipasa ang impeachment ni Robredo sa botohan.

Sa panayam ng DZBB nitong Linggo, sinabi ni Nograles na maaaring ihain ang “third, fourth or fifth” impeachment complaint laban kay Robredo sa mga susunod na linggo.

“Yung mga naririnig naman natin, siyempre mahirap ma-confirm until makita mo ang papeles. Pero kung tinatanong mo ako, kung meron akong narinig na mga tsismis, aba meron.”

Sina Umali at Nograles ay kapwa kaalyado ng administrasyon.

Sinabi ni Umali na kung siya lang ang tatanungin ay ipauubaya niya kay Robredo ang pagsagot sa SALN request.

“I-refer na lang natin iyan kay Leni, and then bahala na siyang sumagot.”