Nina FRANCIS WAKEFIELD at FER TABOY

Sinabi kahapon ng militar na napatay ang isang guerrilla ng New People’s Army(NPA) at nasugatan ang anim na iba pa sa operasyon ng Joint Task Force ZamPeLan (Zamboanga Peninsula and Lanao) sa Leon B. Postigo, Zamboanga del Norte nitong Linggo.

Sa kanyang report sa Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command (AFP-WestMinCom), sinabi ni Col. Jacinto Bareng, commander ng 102nd Brigade, na nagpapatrulya ang tropa ng 20th Special Forces Company nang makaengkuwentro ang mga armadong rebelde sa Sitio Biwa, Barangay Titik, Leon B. Postigo, bandang 5:00 ng umaga nitong Linggo.

Sinasabing ang mga rebelde ay kasapi ng Section Committee Felix B.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Walang sundalong nasaktan sa sagupaan.

Nakarekober ang militar ng tatlong rounds ng mga bala ng CTG caliber .40mm, 15 improvised explosive device (IED), medical paraphernalia, at mga subersibong dokumento.

Samantala, isa pang miyembro ng NPA ang sumuko naman sa Joint Task Force Zampelan.

“Allen Andoloy Condez, alias Momar, a member of the Western Mindanao Regional Party Committee, yielded to Lieutenal Colonel Virgilio Hamos, Jr., Commanding Officer of the 53rd Infantry Battalion, in Camp Sabido, Guipos, Zamboanga del Sur at 1 p.m. Sunday,” sabi ni Brig. Gen. Joselito Bautista, commander ng Joint Task Force Zampelan.