ni Marivic Awitan

AGAD ding nakatagpo ng pamalit na import ang koponan ng KIA Picanto matapos na hindi pumasa sa height limit ang kanilang second choice na si Chane Behanan para sa darating na 2017 PBA Governors Cup na magbubukas sa Miyerkules.

Kinuha nilang kapalit ni Behanan si Markeith Cummings na dati ng naglaro sa koponan ng Globalport noong 2013.

Matapos sukatin, lumagpas si Behanan , beterano ng NBA D League sa itinakdang height limit na hanggang 6-foot-5 .

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Sinabi nina team manager Eric Pineda at coach Chris Gavina na siyang nagkumpirma ng pagkuha nila sa dating Batang Pier import na nakatandang dumating si Cummings ngayon.

Noong nasa Globalport, inihatid ng 6-foot-5 na si Cummings ang Batang Pier sa quarterfinals at nakapagtala ng average na 28.7 puntos, 10 boards, 3 assists, 1.8 steals, at 0.7 block sa loob ng 43.4 minuto.

Ang nasabing stint sa PBA ang nagbigay daan para makuha siya ng Salt Lake City Stars sa NBA D League na nasundan ng stints sa mga bansang Poland, Egypt, at Lebanon.

Agad ding mapapasabak si Cummings sa opening day sa pagsagupa ng Kia kontra Phoenix sa unang laban ganap na 4:15 ng hapon sa Araneta Coliseum.