HAGATNA, Guam (AFP) – Kasabay ng pagdiriwang ng Guam ng Liberation Day ngayong linggo, sinabi ng political leaders sa Pacific island na panahon na para magdesisyon kung mananatili bilang US colony o maging isang malayang bansa.

Ilang dekada nang mainit ang mga debate sa kalayaan ngunit dahil sa mga komplikasyong legal ay ilang beses na ring naudlot ang mga planong pagbotohan ito.

Sinabi ni dating senator Eddie Duenas na matagal nang overdue ang self-rule plebiscite at dapat na isabay sa gubernatorial election sa susunod na taon.

‘’We have been driving but we don’t know where we’re driving to and how far we will go,’’ aniya sa pagpupulong kamakailan ng decolonisation commission ng Guam sa Hagatna.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Naging unincorporated territory ng United States ang Guam simula 1898, nangangahulugan na ang 160,000 mamamayan nito ay US citizens ngunit limitado ang mga karapatan.

Inilista ng United Nations ang Guam na isa sa nalalabing 17 kolonya sa buong mundo.

Iginiit ni Governor Eddie Calvo, dapat nang solusyunan ang sitwasyon. ‘’I would be happier if we became a state (but) if voters chose independence or free association I would be happier than I am right now,’’ aniya.