ni Gilbert Espena
PINATUNAYAM nina dating world rated Mercito Gesta at Recky Dulay ng Pilipinas ang kagitingan ng Pinoy sa impresibong knockout win sa undercard ng boxing promotion ni Oscar dela Hoya nitong Sabado (Linggo sa Manila).
Pinatulog ni Gesta sa 8th round si two-time world title challenger Martin Honorio ng Mexico sa undercard ng Miguel Berchelt vs Takashi Miura WBC super featherweight championship sa The Forum sa Inglewood, California sa United States.
Ito ang ikalawang matagumpay na panalo ni Gesta sa ilalim ng Golden Boy Promotions at pagsasanay ni Hall of Fame trainer Freddie Roach matapos talunin sa puntos si dating WBC Youth lightweight champion Gilberto Gonzalez na isa ring Mexican noong nakaraang Abril 1 sa Las Vegas, Nevada.
Napaganda ng tubong Mandaue City, Cebu na si Gesta ang kanyang kartada sa 31-1-2, tampok ang 17 knockouts at inaasahang magbabalik na sa world rankings.
Pinabagsak naman ni Dulay sa 3rd round si undefeated prospect at WBA No. 7 super featherweight Jaime Arboleda ng Panama na ikinagulat ng boxing fans.
“The taller Arboleda was hit by Dulay with a counter right cross who turned around and dropped like a sack of potato face first to the canvas,” ayon sa ulat ng Fightnews.com. “He tried to get up but his legs could not support him thus the referee waived off the contest. Time: 2:03 of the third round.”
Napaganda ng tubong Catarman City, Northern Samar na si Dulay ang kanyang rekord sa 10-2-0 samantalang bumagsak ang kartada ni Arboleda sa 10 panalo, 1 talo.