Ginawaran ng parangal ang successful realty developer at businesswoman na si Mary Divine Austria bilang Dakilang Ina ng Pamana Awards USA 2017-2018 sa Diamond Hotel sa pangunguna ng founder na si Boy Lizaso nitong Hulyo 4.

2pamana awards copy

Si Divine ay maybahay ng sikat na painter at National Artist na si Tam P. Austria. Ang kanilang mga anak na sina Mike at Sistine ay katuwang na rin nila sa negosyo, bagamat may passion din si Mike sa pag-arte at ngayon ay nasa cast siya ng La Luna Sangre bilang isa sa mga bampira sa pangkat ni Sandrino (Richard Gutierrez). Si Sistine naman ay anim na taon nang kasal sa American-Dutch husband at mayroong anim na taong gulang na anak.

Nagtapos ng engineering sa University of the East si Divine pero hindi lang ang propesyon ang kanyang pinagkakaabalahan kundi pati na rin ang pagiging butihing maybahay, ina at grandmother. Siya ay isang pilantropo na patuloy ang pagtulong sa Tahanang Walang Hagdanan at Blind Association of the Philippines.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Ngayong araw ang kanyang kaarawan na ipagdiriwang sa Manila Polo Club na ballroom dance party ang tema sa piling ng kanyang pamilya, mga kamag-anak at kaibigan.