Ni: Marivic Awitan

Teodoro, pumukpok sa panalo ng JRU vs Perpetual.

RATSADA ang premyadong playmaker na si Teytey Teodoro sa krusyak na sandali para sandigan ang Jose Rizal University sa mainit na duwelo kontra Perpetual Help University, 68-54, kahapon sa NCAA Season 93 seniors basketball tournament sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.

Untitled-1 copy copy

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Kumubra si Teodoro ng 26 puntos, tampok ang walo sa final period para ilayo sa double digits na bentahe ang Heavy Bombers, 62-52, para makabawi sa kabiguan natamo sa kamay ng Lyceum Pirates sa kanilang opening match.

Natamo ng Perpetual Help ang ikalawang sunod na kabiguan matapos ma-forfeit ang laro kontra sa College of Saint Benilde sa opening day nitong Sabado. Nagsampa ng protesta ang pamunuan ng Perpetual sa naturang desisyon ng Mancom at ni Commissioner Bai Cristobal.

“Siguro it’s a good sign na bumalik ‘yung team namin,” sambit ni JRU coach Vergel Meneses. “I challenged them to think about why we are successful in the preseason. We are passing the ball, we look for the open man. ‘Yun ang nakita ko kay Teytey kanina.”

“This is the real JRU team that I wanted to see, which is really fighting every game,” aniya.

Nag-ambag si Abdel Poutouchi sa naiskor na 13 puntos at pitong rebound, habang kumana si Gio Lasquety ng 11 puntos para sa Heavy Bombers, sunod na makakaharap ang matikas na Arellano Chief sa susunod na Martes.

Nanguna si GJ Ylagan sa Altas sa natipang 12 puntos, habang umiskor si Prince Eze ng 12 puntos at 16 rebound.

Sa junior match, nadomina ng La Salle Greenhills ang Emilio Aguinaldo College, 82-59.

Nagsalansan si Inand Fornillos ng 16 puntos at 13 rebound sa Greenies, habang kumana si Joel Cagulangan ng 14 marker at nag-ambag sina Joshua David at Jacob Lao ng tig-10 puntos sa ikalawang sunod na panalo ng LSGH.

“It was a collective effort for everyone. It took them a few minutes just to be comfortable in the game and I was just waiting for them to be comfortable, have poise and be in control,” pahayag ni LSGH coach Marvin Bienvenida.

Nagpamalas din ng katatagan ang University of Perpetual Help System para maungusan ang Jose Rizal University via come-from-behind victory, 79-78.

Iskor:

(Seniors)

JRU (68) - Teodoro 26, Poutouochi 13, Lasquety 11, Grospe 8, Mendoza 4, Castor 4, Abdul Razak 2, Dela Virgen 0, David 0.

Perpetual Help (54) - Ylagan 12, Eze 12, Dagangon 9, Sadiwa 6, Pido 5, Coronel 3, Yuhico 3, Tamayo 3, Mangalino 1, Singontiko 0, Casas 0, Lucente 0, Clemente 0.

Quarters: 15-18, 39-30, 50-40, 68-54.