Ni: Gilbert Espeña

IPAGTATANGGOL ni IBF light flyweight champion Milan Melindo ng Pilipinas ang korona kontra two-division world champion Hekkie Budler sa Setyembre 16 sa Waterfront Cebu City Hotel and Casino sa Cabu.

Kasalukuyang IBO light flyweight champion si Budler na nakuha ang titulo nang talunin sa 6th round TKO ang Pilipinong si Joey Canoy noong Pebrero 4 sa Gauteng, South Africa.

May kartadang 31-2-0, tampok ang 10 panalo sa knockouts, dalawang beses nanalo si Budler sa kontrobersiyal na desisyon kay six-time world title challenger Juanito Rubillar sa mga sagupaang ginanap sa South Africa noong 2010 para sa IBO light flyweight title.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Ngunit, hindi natinag si Melindo sa magandang rekord ni Budler matapos maging IBF regular champion nang patulugin sa 1st round ang dating kampeon na si Akira Yaegashi ng Japan sa Ariake Colosseum sa Tokyo nitong Mayo.

“I feel no pressure for this fight. No matter how many fights he’s had, he’s never fought anyone like me,” sambit ni Melindo.

“I would advise him not to put his guard down because then I might give him the first KO defeat of his career.”

Tangan ni Melindo ang markang 36-2-0 na may 13 pagwawagi sa knockout at nangakong patutulugin si Budler na bukod sa pagiging No. 6 contender sa IBF ay nakalista ring No. 4 sa WBA at No. 6 sa WBC sa light flyweight division.

“I already fought some of the best champions in the world, including Juan Francisco Estrada, so he (Budler) is no threat to me,” dagdag ni Melindo.