THANKFUL si Gil Cuerva sa magagandang nangyayari sa career niya sa six months niya sa showbiz. Maganda ang feedback ng viewers sa My Love From The Star, steady ang rating nito at hindi pa man tapos ang airing, humihirit na ang fans ng newbie sa GMA-7 ng kasunod na project niya.

GIL CUERVA copy

Hindi makapaniwala si Gil na nominated siya for Best Actor sa –Television Series ng Edukcircle para sa My Love From The Star. Kinailangan pa naming ipakita ang list ng nominees para maniwala siya na nominated nga siya.

“I’m overwhelmed! Sobra akong grateful sa blessings na dumadating sa akin. Hindi ko ito ini-expect, thank you sa sumusuporta at sa mga naniniwala sa akin. Just to be working with the veteran stars is enough for me, ‘tapos may mga recognition pa. Lalo kong pagbubutihin ang trabaho ko dahil ayaw kong magkaroon ng reputation na pangit akong umarte,” sabi ni Gil.

Human-Interest

Perwisyo! Netizen gumanti sa kapitbahay na nagparada ng kotse sa harap ng bahay niya

Sa My Love From The Star, si Jennylyn Mercado ang love interest ni Gil at ramdam ang strong chemistry ng dalawa. Very much willing siya to work with the actress again at matutuwa ang JenGil fans kung pati sa movie ay magkakasama sila dahil gusto ring pasukin ni Gil ang pelikula.

Napunta ang usapan sa crushes ni Gil sa Kapuso actress at sina Marian Rivera, Solenn Heussaff at Heart Evangelista ang binanggit niya.

“Sila talaga ang mga crush ko. Growing up, sila ang nakikita ko. Hindi ko na isinali sa list si Jen (Jennylyn) dahil given nang maganda siya at crush ko siya,” sabi ni Gil.