Ni: Marivic Awitan

Mga Laro Bukas

(Arellano University Gym)

2 n.h. -- Arellano vs San Sebastian College (jrs.)

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

4 n.h. -- Arellano vs. San Sebastian College (srs.)

SUMANDIG ang Perpetual Help sa krusyal na opensa ni Prince Eze sa kritikal na sandali para mailusot ang 69-65 panalo kontra College of St. Benilde nitong Martes sa NCAA Season 93 sa Filoil Flying V Center.

Naisalpak ni Eze ang kailangang puntos mula sa dominanteng offensive rebound para sa ispesyal na panalo at simulan ang kampanya sa magandang paraan.

Umabante ang Altas sa 66-65 mula sa putback ni Eze may 48.3 segundo sa laro, bago sinundan nang isa pang putback mula sa sablay na free throw ni Keith Pido para selyuhan ang panalo.

“Swerte kami nanalo kami sa first game with how the turnovers pero ganyan talaga kasi first game,” sambit ni Perpetual assistant coach Jimwell Gican.

Nanguna si Gab Dagangon sa Altas sa naiskor na 14 puntos at 10 rebound, habang kumana sina GJ Ylagan at Jonathan Yuhico ng tig-12 puntos. Kumubra si Eze ng 11 puntos, 12 rebound at limang blocks at tumipia si Flash Sadiwa ng 10 puntos.

Nanguna sa Blazers si Kendrix Belgica sa naiskor na 16 puntos.

Sa unang dalawang juniors match, nagsipagwagi sa kani -kanilang katunggali ang La Salle Greenhills at Lyceum of the Philippines upang makahanay ng mga naunang nagwaging San Beda College at defending champion Mapua.

Tinalo ng Junior Blazers sa pamumuno nina Inand Fomillos at Albert Bordeos na tumapos na may 22 at 14 puntos, ayon sa pagkakasunod ang University of Perpetual Help, 64-60.

Pinadapa naman ng Junior Pirates ang Jose Rizal University Light Bombers, 94-87 sa pangunguna ni Vincent Cunanan na may 23-puntos.

Iskor:

PERPETUAL (69) – Dagangon 14, Ylagan 12, Yuhico 12, Eze 11, Sadiwa 10, Pido 6, Coronel 4, Lucente 0, Tamayo 0, Clemente 0, Mangalino 0

CSB (65) – Belgica 16, Johnson 10, Castor 9, Domingo 9, Young 6, Dixon 5, Sta. Maria 4, Naboa 3, Leutcheu 2, San Juan 1, Bunyi 0

QUARTER SCORES: 23-13, 39-32, 53-55, 69-65

Sa unang dalawang juniors matches, nagsipagwagi sa kani -kanilang katunggali ang La Salle Greenhills at Lyceum of the Philippines upang makahanay ng mga naunang nagwaging San Beda College at defending champion Mapua.

Tinalo ng Junior Blazers sa pamumuno nina Inand. Fomillos at Albert Bordeos na tumapos na may 22 at 14 puntos ayon sa pagkakasunod ang University of Perpetual Help, 64-60.