Ni: Beth Camia

Inamin ni Presidential Adviser in the Peace Process Jesus Dureza na hindi muna itutuloy ang nakatakdang 5th round ng formal peace talks sa National Democratic Front (NDF), ang negotiating arm ng Communist Party of the Philippines at New People’s Army (CPP-NPA).

Sinabi ni Dureza na hindi maitutuloy ang peace talks sa Agosto kung hindi magkakaroon ng tinatawag na “enabling environment” o angkop na sitwasyon para sa pag-uusap. Susundin din nila ang panuntunan ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang peace talks hangga’t hindi itinitigil ng mga komunista ang extortion o pangongolekta ng revolutionary tax.

Gayunman, magkakaroon ng back channel talks para maplantsa at magkaroon ng unawaan sa pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji