Ni: Jun Fabon

Pinalad na nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang 56-anyos na pangulo ng home owners association (HOA) makaraang pagbabarilin sa Barangay Commonwealth, Quezon City, iniulat kahapon ng pulisya.

Kinilala ang biktimang si Rosemarie Amarille, 56, pangulo ng Katuparan Homeowner Association at nakatira sa Bgy. Commonwealth.

Kaagad na naisugod sa ospital at nalapatan ng lunas si Amarille, at ligtas na ngayon ang lagay makaraang mabaril.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Base sa ulat ni SPO1 Hilarion Nebao, ng Tactical Operation Center (TOC) ng Batasan Police Station 6, dakong 9:00 ng gabi nitong Lunes at bumibili ng gamot si Amarille sa Katuparan Street nang biglang sumulpot ang isang lalaking naka-itim na jacket at sombrero at pinagbabaril ang biktima.

Inimbestigahan na ng Criminal Investigation and Detection Unit ang krimen para matukoy ang motibo at suspek sa krimen.