Ni: Fer Taboy

Sinunog ng New People’s Army (NPA) ang kampo ng Philippine Army (PA) sa San Jacinto, Masbate, nitong Lunes ng gabi.

Ayon sa report ng Masbate Police Provincial Office (MPPO), nagsasagawa ng pursuit operation ang Regional Public Safety Batallion-5 at 2nd Infantry Batallion laban sa mga rebelde, na sinamantala ng mga rebelde.

Batay sa ulat ng MPPO, sinalakay at sinilaban ng nasa 15 pinaniniwalaang miyembro ng NPA ang inabandonang kampo sa Sitio Padaguiton, Barangay Calipatan sa San Jacinto, dakong 6:40 ng gabi.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ayon sa Bureau of Fire Protection, tumagal ng isang oras ang sunog at tinaya sa P100,000 ang kabuuang pinsala nito.

Nasunog ang 13 barracks, isang function hall at isang mess hall na pawang gawa sa light materials.