Ni FER TABOY

Sinibak kahapon sa puwesto ang isang opisyal ng Quezon City Police District (QCPD), makaraang arestuhin ang isa sa mga tauhan nito na umano’y nagpapatakbo ng sabungan.

Ipinasibak ni PNP Chief Director General Ronald dela Rosa, kay QCPD Director Police Chief Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar, si Insp. Felipe Tumibay, detachment commander ng QCPD-Station 9, sa pagkakaaresto kay SPO1 Jefer Sy Butawan na nakatalaga sa District Headquarters Support Unit.

Ayon kay Senior Supt. Jose Chiquito Malayo, hepe ng Counter-Intelligence Task Force (CITF), nakatanggap sila ng reklamo hinggil sa isang tupadahan sa Old Capitol, Quezon City na umano’y pinatatakbo ng mga pulis.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Isinailalim sa surveillance operation ang nasabing lugar at positibong pinatatakbo ng ilang pulis.

Tuluyang sinalakay ang sabungan nitong Linggo, bandang 11:30 ng umaga at inaresto si Butawan.

Hindi na muna pinangalanan ng CITF ang dalawa pang pulis na sinasabing kasama ni Butawan sa pagpapatakbo ng tupadahan.

“Sila mismo ang nagpapalaro, sila mismo ang nagpo-protect. Inamin naman niya na illegal. If it is illegal at nandun siya sa lugar na illegal naman at hindi naman niya hinuhuli. It’s already presumed na he’s protecting this illegal activity,” sabi ni Malayo.