NI: Entertainment Tonight

MAGKAIBIGAN lang daw sina Paris Jackson at 90210 hunk Trevor Donovan, pahayag ng isang source sa ET nang makuhanan ng litrato ang dalawa na magka-holding hands habang naglilibot sa Pacific Palisades sa Los Angeles, California nitong nakaraang Linggo.

Paris at Trevor copy

“They’re just friends, nothing more,” sabi ng source na malapit sa 19 taong gulang na model. “I know the pic looks like there’s more to it, but there’s really not.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ayon sa Just Jared, sinabi ng tagapagsalita ni Donovan, 38 taong gulang, na walang umanong malisya ang samahan ng dalawa. “They are just friends. Both are big animal lovers and advocates and are working on a ‘Be Pawsome, Adopt!’

campaign for local L.A. shelters. Trevor is big animal and human rights advocate ... they are friends who want to help the helpless.”

Hindi lamang ang pagsusulong ng animal advocacy ang pinagkakaabalahan ni Paris Jackson. Habang abala sa pagsusulat ng mga kanta, pagpapa-tatoo at pagbibida sa mga music video, nagawa pa rin niyang bigyan ng tribute ang ikawalong anibersaryo ng pagkamatay ng kanyang amang si Michael Jackson.

“My angel, my king, my universe,” aniya kalakip ang photoshopped na litrato kasama ang ama. “Eight years without you feels like a lifetime.”