Ni: Beth Camia

Hands-on si Pangulong Rodrigo R. Duterte pagdating sa lalamanin ng kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) na nakatakda sa Hulyo 24.

Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar, kapag mayroong ayaw si Duterte sa burador ng kanyang talumpati ay talagang pinapapalitan o binabago niya ito.

Inihalimbawa ni Andanar ang ginawang “practice” ni Duterte noong isang gabi, ngunit kinabukasan ay may bago na naman sa talumpati ng Pangulo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Hindi idinetalye ni Andanar ang mga nilalaman ng ulat sa bayan ni Duterte, dahil pinaplantsa pa ito ng PCOO.

Matatandaan na sa unang SONA ni Duterte, sampung beses na binago ng PCOO at ng Presidential Management Staff ang talumpati, bago ito inaprubahan ng Punong Ehekutibo.

Sinabi ni Andanar na gaya ng unang SONA ni Duterte, magiging simple rin ang okasyon ngayong taon. Hiniling mismo ng Pangulo na huwag magarbo ang pagdaraos ng okasyon.