CAROLL copy copy

LAS VEGAS (AP) — Sa hangaring mapalakas ang kampanya ng Toronto Raptors na hindi maapektuhan ang pagiging kompetitibo ng koponan, nagdesisyon si Toronto Raptors GM Masai Ujiri na ipamigay si veteran forward DeMarre Carroll sa Brooklyn Nets bago kinuha si C.J. Miles sa sign-and-trade sa Indiana kapalit ni point guard Cory Joseph,ayon sa ulat ng Associated Press.

Nagkasundo ang Raptors at Nets nitong Sabado (Linggo sa Manila) kasama ang future first- at second-round pick kapalit ni Justin Hamilton. Ang naturang kasunduan ay nagbigay daan para makaluwag ang Toronto sa US$30 milyon na sahod ni Carroll sa loob ng dalawang taon.

Nalagay sa alanganin ang salary cap ng Raptors nang palagdain ng bagong kontrata si point guard Kyle Lowry ng US$100 milyon.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas