Ni: Francis T. Wakefield at Leonel M. Abasola

Kinuwestiyon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang katuwiran ni Philippine National Police (PNP) chief Director Gen. Ronald "Bato" dela Rosa sa pagpapatapon sa dalawang tiwaling pulis-Mandaluyong patungong Marawi City, makaraang makuhanan ang mga ito ng video na pisikal na inaabuso ang dalawang barangay ordinance violators.

Sa press briefing, sinabi ni Lorenzana na hindi siya kontra sa desisyon ni dela Rosa dahil ang PNP ay wala sa ilalim ng kanyang kapangyarihan, pero para sa kanya, ang parusa ay hindi dapat na pagtatalaga sa Marawi, na gibang-giba ngayon dahil sa pakikipagbakbakan ng gobyerno laban sa Maute Group.

“I'm not against it because that is their decision (and) the PNP is not under my jurisdiction. I am just questioning the wisdom of doing so," sabi ni Lorenzana. "Their punishment should not be Marawi assignment but sanctions such as suspension without pay or outright dismissal from the service.”

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Nang tanungin tungkol sa sinabi ni dela Rosa na ang pagpapatapon sa mga tiwaling pulis ay magpapatino sa mga ito, sinabi ni Lorenzana na umaasa siyang tama si Bato.

"I hope he is right. Otherwise, masisira lang (ang) organization," anang kalihim.

Sinang-ayunan naman ni Senator Bam Aquino ang panawagan ni Lorenzana sa PNP na pag-aralan ang patakaran sa pagpapadala ng mga tiwaling pulis sa Mindanao, at sa ilang lugar sa bansa na itinuturing na magulo.

Ayon kay Aquino, dapat na managot ang mga pulis ayon sa umiiral na batas at hindi tugon ang pagpapadala sa kanila sa magugulong lugar.

“Filipinos deserve an upstanding police force. Delinquent cops should be fired, not just reassigned and sent to Mindanao,” wika ni Aquino.

Aniya, napakahalaga na may tiwala ang tao sa pulis, lalung-lalo na sa Mindanao na nasa ilalim ng martial law at kailangang ang ipadala ay ang mga may kakayahang pulis.

Noong 17th Congress, inihain ni Aquino ang panukalang magpapalakas sa Internal Affairs Service (IAS) ng PNP sa pamamagitan ng pagpapalakas ng disiplina sa pulisya.