Ni: Entertainment Tonight

PUMANAW na ang asawa ng Marvel comics legend na si Stan Lee, pahayag ng spokeperson ng pamilya sa ET. Si Joan Lee ay pumanaw sa edad na 93.

BEVERLY HILLS, CA - JANUARY 21:  Comic book artist Stan Lee (R) and Joan B. Lee attend the 23rd annual Producers Guild Awards at The Beverly Hilton hotel on January 21, 2012 in Beverly Hills, California.  (Photo by Kevin Winter/Getty Images For PGA)
BEVERLY HILLS, CA - JANUARY 21: Comic book artist Stan Lee (R) and Joan B. Lee attend the 23rd annual Producers Guild Awards at The Beverly Hilton hotel on January 21, 2012 in Beverly Hills, California. (Photo by Kevin Winter/Getty Images For PGA)

“Joan Lee passed away this morning quietly and surrounded by her family,” saad ng spokesperson. “The family ask that you please give them time to grieve and respect their privacy during this difficult time.”

Human-Interest

Mag-asawang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, pinagtapos naman ang 9 na anak!

Ikinasal si Joan, dating British hat model, kay Stan noong 1947. Nagkaroon sila ng dalawang anak, sina Joan Celia, ipinangank noong 1950, at Jan, na tatlong araw lamang nabuhay nang ipanganak noong 1953.

Sa buong karera ng Marvel Comics, kasama ni Stan si Joan, na nagsilbing inspirasyon sa bawat tagumpay ng komiks.

“Before you quit, why don’t you write one comic you are proud of?” kuwento ni Stan tungkol sa mga salitang binitawan ng asawa nang muntik na niyang bitawan ang indusriya ng komiks, sa The Hollywood Reporter nang nakaraang taon. Ito ang naging inspirasyon ni Stan kaya nilikha niya ang Fantastic Four.

Pagkaraan ng ilang dekada, isinapelikula at ipinalabas sa telebisyon ang Marvel, kasama si Joan sa nagboses sa ilang karakter sa ‘90s animated Marvel shows. Gumanap siya bilang Miss Forbes sa Fantastic Four at Madame Web sa Spider-Man. Naging bahagi rin siya ng X-Men: Apocalypse noong 2016.

Isa ring manunulat si Joan, isinulat niya ang nobelang The Pleasure Palace noong 1987.