DOHA (AFP) – Sinabi ng Qatar nitong Martes na imposibleng matupad ang mga kahilingan ng mga karibal na bansang Arab sa diplomatic crisis sa Gulf, bago ang nakatakdang pagpupulong kinabukasan sa Egypt ng Saudi Arabia at mga kaalyado nitong pumutol ng ugnayan sa Doha.

Sinabi ni Qatari Foreign Minister Sheikh Mohammed bin Abdulrahman Al-Thani sa isang press conference sa Doha na ang listahan ng mga kondisyon para mapanumbalik ang mga relasyon ‘’is unrealistic and is not actionable’’.

‘’It’s not about terrorism, it’s talking about shutting down the freedom of speech,’’ aniya sa joint press conference matapos makipag-usap sa kanyang German counterpart na si Sigmar Gabriel.

Kabilang sa mga hinihiling ng Saudi Arabia, United Arab Emirates, Bahrain at Egypt ay putulin ng Doha ang suporta sa Muslim Brotherhood, ipasara ang broadcaster na Al-Jazeera, iwasan ang Iran at isara ang Turkish military base sa emirate.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture