NAGKABALIKAN na sina Scarlett Johanson at Colin Jost, kinumpirma ng isang source sa PEOPLE.

Namataang magkasamang nag-dinner ang aktres at ang Saturday Night Live star nitong Biyernes sa Huntting Inn’s Palm Restaurant sa East Hampton sa New York. Ika-35 kaarawan ni Colin noong Huwebes.

SCARLETT AT COLIN copy

Nauna nang iniulat ng Page Six ang balita.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Naganap ang balikan pagkaraan ng ilang linggo simula nang makuhanan ng litrato sina Johansson at ang abogado niyang si Kevin York na magka-holding hands nitong June sa New York City – na isang source ang nagsabing matagal nang may namamagitan sa dalawa.

“They’ve known each other for a very, very long time and genuinely liked each other outside of their working relationship,” sabi ng isang insider. “Romantically, things developed organically. There’s always been an attraction there.”

Ayon sa Page Six, bago pa man nabuking ang relasyon kay Yorn, namataang magkahalikan sina Johansson at Jost sa season finale afterparty ng Saturday Night Live noong May. Ayon sa source ng E!, ang relasyon ng dalawa ay “been going on for a bit.”

Namataan din na magkasama ang dalawa sa The East Pole restaurant sa New York City.

Nakipaghiwalay ang Rough Night actress sa kanyang French husband na si Romain Duriac noong nakaraang taon matapos ang dalawang taong pagsasama. May anak sila, ang dalawang taong gulang na si Rose Dorothy.

Naging karelasyon naman ni Jost ang kapwa comedian at Harvard grad na si Rashida Jones sa loob ng tatlong taon.