WINALIS ng Royal Manila cagebelles ang Team Kengs, 2-0, sa best -of -three finals ng Adela SDK Cup -Queens Basketball League na nagtapos nitong nakaraang weekend sa Trinity Gym ng Trinity University of Asia sa Quezon City.

Ang Sports Apparel Specialists ni team manager Conrado Gicanal ay naunang pinadapa ang Team Kengs sa Game 1 nitong Sabado, 80-74, sa pasiklab na laro ni Finals MVP Carmina Reyes na nasundan ng isa pang mahigpitang bakbakan sa Game 2 , 67-65, kung saan tuluyan nang kinopo ng bataan ni coach Rene Boy Banzali ang korona ng torneong handog ng Adela SDK at inorganisa ng Queens Basketball League at may basbas ng Brotherhood Basketball League Manila Chapter.

“Determinado ang mga bata na wala nang Game 3 kung kaya ibinuhos na nila upang i-sweep ang series 2-0 para sa panibago na namang kampeonato sa taong kasalukuyan,” pahayag ni Gikanal ng Fitness Gym - Fisher Mall sa panayam.

PBA 4-point shot, ekis kay 7x NBA Champion Robert Horry

Kamakailan, nasungkit din ng Royal MNL ang titulo ng KOTC King of the Courts Women’s Division.

Kaagapay ni Reyes sa kampeonato sina Diego, Tolentino,Sulito, Batinag habang ang runner-up na Kengs ay binanderahan nina Ilda,Balmatero at Suarez.