Ni AARON B. RECUENCO

Inaresto ng pulisya sa Lipa City, Batangas ang umano’y leader ng isang sindikato na gumagawa at nagbebenta ng iba’t ibang baril hanggang sa Mindanao at hinihinalang kabilang sa mga napagbentahan ang Maute Group batay sa sinasabing malaking pagkakahawig ng mga nakumpiska rito sa mga nasamsam mula sa teroristang grupo.

Sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald dela Rosa na hanggang sa Mindanao ay nakapagbebenta ng mga baril—mula sa maiikli hanggang sa matataas ang kalibre—ang grupo ni Romel Liton.

PNP Chief Dela Rosa presents the seized illegally manufactured firearms during a presscon at PNP Headquarters in Quezon City on Tuesday.Romel Litan, leader of the gunrunning syndicatehas sold 671 heavy firearms, some which were sold and recovered in Marawi. Photo by Jansen Romero
PNP Chief Dela Rosa presents the seized illegally manufactured firearms during a presscon at PNP Headquarters in Quezon City on Tuesday.Romel Litan, leader of the gunrunning syndicatehas sold 671 heavy firearms, some which were sold and recovered in Marawi. Photo by Jansen Romero

Human-Interest

Dating ALS learner, isa nang ganap na police officer

Ilan sa mga baril na nakumpiska mula kay Liton ay katulad ng mga narekober ng mga awtoridad mula sa Maute Group sa Marawi City sa nakalipas na mga linggo.

“These firearms, they said they came from them, they were the ones who painted them,” ani dela Rosa. “As of now per record of the suspect, he was already bale to sell 671 firearms as of December 2015. He has records, he cannot deny it. And some of them landed in Marawi and were recovered at the height of the gunfight,” ani dela Rosa.

Bukod kay Liton, arestado rin sa pagpapatupad ng search warrant sa Purok 2, Barangay Sampaguita sa Lipa City sina Angelo Magcamit, Ramil Quinones, at Christian Rey Quinones.

Nakumpiska sa raid ang 30 maiikli at mataaas na kalibre ng baril, ilang bahagi ng baril at mga makinang gamit sa paggawa at pagbubuo ng baril.

Sinabi ni Director Roel Obusan, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), na naghain na sila ng mga kasong kriminal laban sa mga naaresto makaraang makumpirmang walang lisensiya si Liton upang gumawa at magbuo ng baril mula sa Firearms and Explosive Office (FEO) ng PNP.

Ayon kay Obusan, eksperto ang grupo sa panggagaya sa mga imported na baril.

“He (Liton) is very good, he has the skills and the talent. As you can see, the proof is that the finished products look like the original,” ani Obusan.

Kinumpirma rin ni Obusan na hawak na ng PNP ang record book ng mga taong pinagbentahan ng grupo.

“We already have the record book which contains where the guns they sold went and who bought them,” sabi ni Obusan.

“We also have the leads on how many of these firearms sold went to Marawi City.”

Aniya, kabilang sa mga kostumer ng mga suspek ang ilang pulitiko, at bagamat hindi niya makumpirma kung ang nasabing mga pulitiko ang umano’y nagbenta ng mga armas sa Maute, ang mga silencer na nakumpiska sa grupo ay kagaya ng ginagamit ng mga sniper ng Maute.