Ni NITZ MIRALLES

HINDI pa nakikita ng personal ni Erich Gonzales ang billboard na itinaas ng kanyang admirer na si Xian Gaza na inimbitahan siyang magkape.

Nasa bakasyon pa sa New York ang aktres at sa social media pa lang niya nabasa ang nakasulat sa billboard na, “Will you... drink coffee with me?” ‘Tapos nakasulat ang pangalan ni Erich at may hashtag na #CoffeeWithErich #PleaseSayYesErich.”

ERICH copy copy

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Ang admirer din na ito ang nagregalo kay Erich ng whole Bobbi Brown make-up set na iba ang dating sa netizen dahil pang-i-impress daw ito sa dalaga.

Sa text message kay Darla Sauler, sabi ni Erich, “Hi Darls!!!:) How are you? Hahaha!!! Ang cute ng effort ni Kuya.

It’s fine. Let’s see when I get back. There’s nothing wrong naman if we talk over coffee, pero dapat kasama ka.

Hahaha!!!”

Nahahati ang netizens kung dapat bang tanggapin ni Erich ang imbitasyon ni Xian. May pumapayag pero meron ding ayaw at nag-hashtag pa ng, “SayNoErich” dahil nawewerduhan sila sa paraan ni Xian para ipaalam ang admiration sa dalaga.

May tumawag din ng creepy, famewhore at fanboy sa admirer ng aktres.

Kaibigan at business partner pala ni Xian si Ogie Diaz kaya dapat daw ay nagpatulong na lang ito kay Ogie na makilala si Erich at hindi na idinaaan pa sa billboard at sa social media ang pagpapahayag ng paghanga, at love na yata, kay Erich.

Sa Instagram (IG), ikinuwento ni Xian kung kailan at saan niya unang nakita si Erich. Nangyari ito nang makasabay niya ang aktres sa panonood ng sine sa Uptown Mall Cinema last January 5. Nagpa-picture pa siya at sobrang nabaitan sa aktres... at na-in love.

“At that moment, you had left a massive imprint on my heart. You left me mesmerized. You really touched a portion of my heart that even myself can’t describe nor put it into words,” bahagi ng post ni Xian.

Mula noon, hindi na raw nawala sa isip ni Xian si Erich at naisipan ngang idaan sa billboard ang imbitasyong magkape.

Nakataas sa Morayta ang billboard na one to two months daw nakataas.

Yayamanin si Xian dahil sa display picture niya sa IG, nakasulat ang CEO of Guanxiqian Group at based daw ito sa Hong Kong. Lalong creepy ang dating ng panliligaw ni Xian kay Eric sa latest post nito na inaming may anak siya sa pagkabinata.

May sinabi ito sa pagtatapos ng kanyang post na, “All I want is to be genuinely happy in life and Erich Gonzalez is what my heart truly desires.”