Ni: Jeffrey Damicog at Bella Gamotea

Sa gitna ng mga ulat na muling bumalik ang kalakaran ng droga sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City, ilang grupo ng mga bilanggo ang nagsuko ng ilegal na droga at iba pang kontrabando.

Ayon kay Justice Undersecretary Erickson Balmes, isinuko ng mga miyembro ng Sigue-Sigue Sputnik gang ang mga ilegal na bagay nitong Lunes.

Pinagbasehan ang ulat mula kay Bureau of Corrections (BuCor) Director General Benjamin Delos Santos, sinabi ni Balmes na ang mga isinukong droga at kontrabando ay binubuo ng anim na malalaking pakete ng methamphetamine hydrochloride, na mas kilalang shabu; 30 maliliit na pakete ng shabu; dalawang ice pick; at isang cell phone.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ayon pa kay Balmes, ang pagsuko ng mga kontrabando ay “a result of dialogue/negotiaions conducted last Saturday.”

SAF PAPALITAN SA KATAPUSAN

Nakatakdang palitan ang Philippine National Police-Special Action Force (SAF) na nakatalaga sa NBP sa katapusan ng kasalukuyang buwan.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ipinaliwanag na niya kay SAF head Director Benjamin Lusad ang pagpapalit sa SAF.

“We have already made a request to SAF less than a month ago,” ayon kay Aguirre.

“This will take place in the fourth week of this month,” ayon pa sa Secretary.

Aniya, panibagong grupo ng SAF ang nakatakdang humalili pagbabantay sa NBP.