Ni: Marivic Awitan

Mahirap talunin ang team na nasa estado na gaya ng San Miguel Beer.

Ito ang may pagpapakumbabang inamin ni Talk ‘N Text coach Nash Racela matapos ang natamong 91-115 na pagkatalo ng kanyang Texters sa Beermen nitong Linggo ng gabi sa Game 6 na nagbigay ng titulo sa huli bilang hari ng katatapos na PBA Commissioners Cup.

“Honestly, San Miguel played almost a perfect game today,” ani Racela.

Human-Interest

Paano nga ba mag-goodbye ang ilang Gen Zs bago mag-New year?

“When we needed it the most, that’s when suddenly, they played really, really well. It’s hard to beat a team like San Miguel, you know how strong a team like San Miguel is. It’s actually us who needed to play perfectly. But that’s the character of their team, that’s why they’re the champions. When you need it the most, that’s when they suddenly play well.”

Ngunit, naniniwala ang TNT mentor na hindi inabot ng Beermen ang kasalukuyang estado bilang pinaka-dominanteng team sa kasalukuyan sa liga sa sandaling panahon lamang.

Aniya, bumilang din ang Beermen ng maraming araw, dumanas ng mga kabiguan at dinaanang sakripisyo bago umabot sa kanilang kinalalagyan.

Para kay Racela, ganito rin ang pinangdadaanan ng Texters ngayon at malaking tulong para sa koponan ang naging karanasan nila sa nakaraang finals tungo sa kanilang tinatarget na muling makabalik sa championship-level.