Ni: Bella Gamotea

Nagpatupad ng big-time price rollback sa liquefied petroleum gas (LPG) ang mga kumpanya ng langis, sa pangunguna ng Petron Corporation, kahapon ng madaling araw.

Ayon sa Petron, epektibo dakong 12:01 ng madaling araw nitong Sabado ay tinapyasan ng P1.65 ang presyo ng kada kilo ng Gasul at Fiesta Gas nito, o katumbas ng P18.15 na bawas-presyo sa bawat 11-kilogram na tangke nito.

Bukod pa rito ang ipinatupad ng Petron na 92 sentimos na bawas-presyo sa Xtend Auto-LPG.

National

Higit 70k kapulisan, ipapadala ng PNP para sa ligtas na Simbang Gabi 2025

Asahan ang pagsunod ng Solane, Total at iba pang independent retailers sa kahalintulad na price rollback sa LPG.

Abril 1 pa huling nag-rollback, ang bagong bawas-presyo ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng LPG sa pandaigdigang pamilihan.