Ni: Leandro Alborote
CAPAS, Tarlac - Isang timekeeper ang posibleng mapatawan ng mabigat na parusa dahil sa umano’y pang-aabuso sa dalawang menor de edad sa Barangay Sto. Domingo 1st sa Capas, Tarlac.
Arestado si Christian Arcilla, 29, ng nasabing barangay, makaraang ireklamo ng pangmomolestiya umano sa mga babaeng edad walo at 14.
Nabatid sa imbestigasyon ni PO3 Haydee Talabucon, dakong 3:00 ng umaga nitong Miyerkules at natutulog ang dalawang bata nang ginapang at minolestiya umano sila ni Arcilla bago pinagbantaang may masamang mangyayari kapag nagsumbong sa nangyari.