Ni Marivic Awitan

Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

7 n.g. – SMB vs. TNT (Game 5)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

(Serye, tabla sa 2-2)

Game 1 – TNT d. SMB, 86-84

Game 2 – SMB d. TNT, 102-98

Game 3 – SMB d. TNT, 109-97

Game 4 – TNT d. SMB,102-97

WALANG nakalalamang. Patas ang laban.

Sa sitwasyong bawal ang kumurap, muling maghaharap ang San Miguel Beermen at Talk ‘N Text Katropa ngayon sa Game Five ng OPPO-PBA Commissioner’s Cup best-of-seven Finals sa Araneta Coliseum.

Nagawang maitabla ng Katropa ang serye sa 2-2 sa malaking 102-97 panalo sa Game Four nitong Miyerkules.

Naniniwala si TNT coach Nash Racela na naagaw nila ang momentum, ngunit kailangan nilang magpursige para tuluyang masungkit ang bentahe.

“It was a hard-fought ballgame. Both teams gave their best. It’s nice that we ended up with the win, but all we did, really, was just to tie the series and cut it down to a best-of-three.”

Inaasahan na aniya, na mas magiging maigting ang laban at higit na pisikal lalo pa at malaking bentahe ang panalo sa Game Five sa isang dikitang sitwasyon.

“It will be a war,” sambit ni Racela. “I expect them not to back down, so we’ll just keep quiet and find ways to win – just like how we did last night.”

Muli, sasandig ang rookie mentor sa kanyang import na Joshua Smith na isinakripisyo ang iniindang injury sa paa at ang pagkakataong makapiling ang buntis na maybahay para sa Katropa.

Sa panig ng Beermen, tila sampal sa kanilang katauhan ang kabiguan matapos tanggapin ang dalawang individual awards ng second conference na Best Player kay Chriss Ross at Best Import para kay Charles Rhodes.

"I'll be better next game. We just have to play better, " pahayag ni Ross.

"As one of the leaders it starts with me. We'll see,we'll be ready on Friday.

"Ayon kay Ross mas prayoridad niya at mas mahalaga ang kampeonato kaysa sa anumang individual award.

"I don't really care about it. (BPC) I want to win a championship. All that other stuff is secondary, the reason why I'm playing the game is to win a championship," pahayag ni Ross.