Ni: Jun Fabon at Hannah L. Torregoza

Matagumpay ang isinagawang earthquake drill sa Kamaynilaan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) katuwang ang Metro Manila Development Authority (MMDA), at mga ahensiya ng pamahalaan.

Dakong 2:00 kahapon nang isagawa ang earthquake drill sa mga eskuwelahan, mall at tanggapan ng pamahalaan sa buong Metro Manila.

Nakiisa ang Quezon City Police District sa nationwide simultaneous earthquake drill sa loob ng Camp Karingal, kasama ang mga tauhan ng QC Fire Department, QC Disasters Risk Reduction and Management Office, at Philippine Red Cross-QC Chapter.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ipinapakita ng apat na ahensiya ang mga paraan para mailigtas ang sarili at ang kapwa sa malakas na pagyanig.

Nanawagan ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) at MMDA na dapat maging handa ang lahat anumang oras para sa “Big One” o pagtama ng 7.2 magnitude na lindol.

“We need to conduct shake drills down to the barangay level,” sinabi ni Phivolcs chief Renato Solidum.

Pinuri ni Senador Paolo “Bam” Aquino IV kahapon ang pagsisikap ng NDRRMC na magdaos ng nationwide earthquake drill upang matiyak ang kahandaan ng mga Pilipino sa malakas na lindol, ngunit iginiit na mas marami pa ang kailangang gawin upang maiwasan ang pagkamatay sa lindol.

“Earthquake drills help the community prepare for quakes but there is more we must do to reduce the loss of life.

Dapat rin nating tingnan kung matibay at ligtas ba ang mga istruktura sa bansa,” Aquino said.

Kamakailan ay nagdaos ang Senate Committee on Science and Technology na pinamumunaun ni Aquino ng pagdinig upang silipin kung ang scientific data na natipon ng Phivolcs ay epektibong naipapalaganap upang maibsan ang mga pangamba at malabanan ang pagkalat ng maling impormasyon.

Idiniin din ni Aqunio na dapat repasuhin ang Republic Act 10121 o Act Strengthening the Philippine Disaster Risk Reduction and Management System upang makasabay sa panahon.

“We’ve already had 163 earthquakes this year. Lives are at stake here” ani Aquino.