Ni: Orly L. Barcala

Parang mga manok na panabong na nagduwelo at nagsaksakan ang dalawang lalaki matapos umanong magkadayaan sa tupada sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Isinugod sa Caloocan City Medical Center si Jaime Piamonte, 55, ng Block 51, Lot 65, Phase 3D, Barangay Dagat-Dagatan ng nasabing lungsod.

Dinala naman sa Tondo Medical Center si Jonard Rapanan, 29, ng Block 38, Lot 7, Phase 3, Bgy. 12 ng nasabing lungsod.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa report, kapwa tumaya sa sabong sina Rapanan at Piamonte sa Block 51, Lapu-Lapu Extension, Bgy. 8, bandang 3:00 ng hapon.

Hindi nagkaintindihan sa pusta ang dalawa na humantong sa mainitang diskusyon, hanggang sa kumuha ng kanya-kanyang tari at nagsaksakan.

Huminto umano ang dalawa nang maramdaman ang pag-agos ng dugo sa kani-kanilang katawan.

Walang plano na magsampa ng kaso ang magkabilang panig.