Ni: Nitz Miralles

SA presscon ng Haplos, nabanggit ni Sanya Lopez na nagulat siya nang malamang may bagong show na agad siya kahit katatapos pa lang ng Encantadia. Ibig sabihin, mas unang nalaman ng mga reporter na may kasunod agad siyang show the moment magtapos ang fantaserye.

SANYA copy copy

May nakakuwentuhan kasi kaming involved sa Haplos at nabanggit na hinihintay lang nilang matapos ang Encantadia dahil isa sa mga bida nito ang magbibida na Haplos. Si Sanya na nga ‘yun, kaya grateful ang dalaga na muli siyang pinagkatiwalaan ng GMA-7 ng importanteng show.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

“Tinanong ako kanina kung okay lang sa akin na from primetime, sa afternoon slot mapapanood ang Haplos. Sa akin, hindi ito isyu dahil parehong pinaghahandaan ng GMA-7 ang bawat shows sa hapon man o gabi. Saka galing ako sa afternoon slot, sa The Half Sisters na very successful ang airing,” pahayag ni Sanya.

“Saka, maganda ang kuwento ng Haplos at magugustuhan siya ng viewers. Tungkol ito sa isang babae na may gift. At ‘yung gift na ‘yun, du’n iikot ‘yung story. ‘Yung gift na ‘yun gagamitin niya para sa kabutihan at ‘yun ang dapat abangan ng viewers,” dagdag ni Sanya.

Ginagampanan niya ang karakter ni Angela, isang physical therapy undergraduate na ang goal sa buhay ay makahanap at magmahal ng lalaki as amazing as her father. Hindi niya alam na may malaking sekreto ang ama.

Si Rocco Nacino uli ang leading man ni Sanya na dahil matagal niyang nakasama sa Encantadia, komportable at panatag ang loob niya na gawin ang mga eksena na nasa script at ipagagawa ni Direk Gil Tejada. Mapapanood na sila simula July 10, pagkatapos ng Impostora.