Chris Paul, nakuha ng Rockets sa trade sa LA Clippers.

HOUSTON (AP) — May bagong armas ang Houston Rockets – CP3.

Sa ikalawang blockbuster trade sa loob ng isang linggo na kinasangkutan ng apat na koponan, nakuha ng Rockets si Olympian at nine-time All-Star Chris Paul mula sa Los Angeles Lakers nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila).

PAUL copy copy

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Ipinamigay ng Houston bilang kapalit sina Patrick Beverley, Lou Williams, Sam Dekker, Montrezl Harrell, Darrun Hilliard, DeAndre Liggins, Kyle Wiltjer, protected first-round pick sa 2018 at cash consideration. Nakuha ng Rockets si Hilliard sa Detroit, habang si Liggins ay galing sa Dallas kapalit ng cash consideration.

"It's a weapons race in the NBA and you're either in the weapons race or on the sidelines," pahayag ni Houston general manager Daryl Morey.

"We felt like with James Harden in his prime and Chris Paul in his prime this gives us a real shot to chase the juggernaut teams that are out there. This puts us right there with them."

Naganap ang trade limang araw matapos ipamigay ng Minnesota ang tatlong player sa Chicago kapalit ni All-Star Jimmy Butler.

Sasabak ang 32-anyos na si Paul sa ikatlong koponan sa liga matapos bitiwan ang nalalabing taon sa kanyang kontrata para maging ‘free agent’.

Ayon kay Morey, noong isang taon pa nila plano na kunin si Paul para makatuwang ni All-Star James Harden.

"Now that we have James and Chris I think people are going to look in free agency and say: 'Hey I can make this money there but maybe for close to the money but not quite as much I'm going to come to Houston and try to win a ring,'" pahayag ni Morey."So that's a big difference walking in with that kind of a situation."

Tangan ng nine-time All-Star na si Paul ang averaged 18.7 puntos, 9.9 assist, 4.4 rebound at 2.3 steal sa loob ng 12 season. Ngunit, marami ang aligaga sa kanyang pagiging lider bunsod nang kabiguan na maiangat ang Clippers sa conference finals.

Sa anim na taon ni Paul sa Los Angeles, nagawang makapasok ng Clippers sa playoff ngunit sibak sila sa unang round sa tatlong pagkakataon at tatlong ulit din sa semifinals.

Ang pinakamasaklap na season ng Clippers ay noong 2015 kung saan tangan nila ang 3-1 bentahe kontra Houston Rockers sa West semifinals, ngunit nabigo sila nang walisin ng Rockets ang huling tatlong laro.

Tulad ni Paul, napipintong mag-ober the bakod si Blake Griffin nang pormal niyang ipahayag na handa na rin siyang maging ‘free agent’ , gayundin si JJ Redick.

Hindi naman isinantabi ni Houston coach Mike D'Antoni ang isyu hingil sa blending nina Paul at Harden, ngunit iginiit niyang malaki ang potensyal ng koponan sa pagbubukas ng season.

"You can sit around all day and say why it wouldn't work, but it does because they want it to work. And I know James and Chris want it to work and that's all it takes,” aniya.

"Any trade you feel great about one thing and bad about another,"sambit ni D'Antoni.