PINATAWA ni Empoy Marquez ang press people sa presscon ng Kita Kita sa mga punchline, jokes at mga nakakaaliw na hirit na tatak Empoy. Nabanggit din ng mga producers na sina Bb. Joyce Bernal at Piolo Pascual ng Spring Films (kasama sina Erickson Raymundo at Lucky Blanco) na ang isa sa mga rason kung bakit nila ini-launch ang komedyante via the said film ay dahil sa kahusayan nito sa pagpapatawa.

ALESSANDRA AT EMPOY copy

Nasampulan nga nito ang mga reporter na tawa talaga nang tawa.

Kakaibang romance-comedy ang Kita Kita dahil hindi kaguwapuhan ang lead actor na si Empoy para ipareha kay Alessandra de Rossi. Pero kung ang nakapanood na ng pelikula sa screening noong May sa Cine Adarna sa UP Film Center ang tatanungin at ang 5.9-million na nakapanood sa YouTube ng trailer ang tatanungin, bagay kay Empoy ang karakter ni Tonyo.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Ano ang feeling ni Empoy na leading man na siya sa Kita Kita?

“Sobrang flattered. Na-inspired din ako at sobrang natutuwa na ako ang napili. Feeling jackpot din ako na leading lady ko si Alex. Sobra ang tuwa ko dahil bata pa lang ako napapanood ko na siya. Passionate siya at marami siyang awards dito at abroad,” sagot ni Empoy habang panay naman ang hagikhikan ng press na nakikinig.

Masuwerte ang Alempoy love team nina Alex at Empoy dahil kahit sa July 19 pa ang start ng commercial run, may follow-up movie na sila. Sabi sa press release, “A follow up movie tackling zombie apocalypse is in the works.”

Ang kanilang director na si Sigrid Andrea Bernardo ang isa sa favorite young directors namin ngayon. Si KZ Tandingan ang kumanta ng theme song ng movie na Two Less Lonely People.