Ni NORA CALDERON
MARAMI agad ang nagtanong, lalo na ang fans ni Regine Velasquez-Alcasid, kung iiwan na nito ang GMA Network, kahit noon pa niya sinasabi na hindi siya aalis sa Siyete para lumipat sa ibang network.
Pumirma kasi ng contract kahapon si Regine sa Viva Artist Agency (VAA) at madaling kumalat ang balita.
May nakausap kami at sinabi nitong malabo raw lumipat si Regine dahil katatapos lang nitong pumirma ng contract sa GMA at ngayon nga, dalawa ang ginagawa niyang show, ang long-running cooking show niyang Sarap Diva at napapanood din siya sa Ravena vs Mulawin bilang ang immortal goddess na si Sandawa, na tagapangalaga ng kalikasan sa Mt. Apo. Ilang linggo pa lang umeere itong huli.
Malamang daw ang pagpirma ng contract ni Regine sa Viva Artist Agency ay para sa projects niya outside of television, tiyak na para may mag-asikaso sa concerts here ang abroad na expertise ng VAA. First and foremost kasi kay Regine ang kanyang pagkanta na hindi niya talaga pinababayaan.