Ni Ernest Hernandez

TILA hindi naging maganda ang pagiging agresibo ni Roger Pogoy sa Game 2 na naging sanhi ng kanyang pagkakapatalsik sa laro. Nalusutan man niya ang suspensiyon bunsod nang paghataw sa ibabang bahagi ni San Miguel Beer forward Arwin Santos, nawala naman ang kinang ng Talk ‘N Text Katropa guard at mainstay ng Gilas cadet sa nakalipas na Game 3 ng OPPO-PBA Commissioner’s Cup best-of-seven title series.

Ang tanging maipagmalaki sa kasalukuyan ng dating FEU Tamaraws stalwart ay ang matikas na kampanya sa Game 1 kung aaan naitala niya ang 27 puntos tampok ang limang three-pointer, limang rebound at tatlong steal sa 86-84 panalo ng Katropa.

Ang malamyang opensa ni Pogoy ay pasakit sa Katropa na naghahabol ngayon sa Beermen, 1-2.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Siguro, bad game lang, siguro. Bawi na lang next game,” palusot ni Pogoy sa post-game interview sa Game 3.

Magkagayunman, itinuturing markman si Pogoy ng Beermen.

“Grabe sila mag-close out,” sambit ni Pogoy, patungkol sa depensa ng SMB.

“Dati pinapabayaan lang nila ako. Ngayon grabe sila mag-close out.

Kapag tumira ako, may chuma-challenge na talaga.”

Wala namang dapat ipagala-ala, ayon kay TNT coach Nash Racela, hingil sa pagbagsak ng opensa ni Pogoy na aniya’t normal lamang sa isang rookie player na tulad niya.

“As long as he is making right decisions, taking the shots that he needs to take kung open – if it doesn’t go, walang problema,”pahayag ni Nash. Buo ang kumpiyansa ni Racela na makababawi si Pogoy sa mga susunod na laro. Aniya, matutulad ang kasalukuyang katayuan ng kanyang bata sa beteranong si Marcio Lassiter, na dinudugo sa kanyang opensa sa unang dalawang laro ng serye.

“It is the same with (Marcio) Lassiter, he was struggling and taking the right shots. Today, he contributed and started hitting shots.”

Ayon kay Jayson Castro, ang lider ng Katropa, kailangan ni Pogoy ng gabay para maibalik ang dating kumpiyansa.

“Alam naman natin na rookie at the same time unang finals niya,” pahayag ng tinaguriang ‘The Blur’.

“Ine-encourage ko rin sila na maging focused lang. Even sa akin nanyari na naging forced ang turnovers ko.”

Sa Game 3, nalimitahan lamang si Pogoy at may 10 rebound.

“Trabaho ko talaga sa team is depensa tsaka yung mga little things – rebounds, depensa. Kaya bonus lang sa akin kung maka-iskor ako ng malaki,” sambit ni Pogoy.