Ni NORA CALDERON

MAG-ISANG bumiyahe nitong Monday morning si Alden Richards papuntang Hong Kong to join the Dabarkards ng Eat Bulaga na nauna nang nagtungo roon noong Sunday morning. Literally, first time ni Alden na mag-isang pumunta ng Hong Kong.

Madalas na stop-over lang siya roon at noong concert niya last December, kasama niya ang production staff ng concert kaya may guides sila sa napakalaking international airport.

Alden & Maine - HK copy

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Dahil Monday, konti lang ang sumalubong na fans kay Alden na thankful na kahit nagmamadali siya, nakuha pa niyang magpa-picture at mag-sign ng autograph.

May fans na hindi na siya inistorbo nang sabihin niyang hinihintay siya for lunch ng Dabarkads at may sundo raw naman siya.

Pero hindi pala alam ni Alden kung saan siya dadaan papunta sa labas para ma-pick-up ng sundo niya.

Kuwento ng nag-post ng picture, natawa raw sila dahil akyat-baba ng escalator si Alden na halatang naligaw, kaya huminto muna at may tinawagan, at saka pa lamang lumabas. Sumunod daw sila at nag-guide kay Alden.

Kaya pala naririnig sa video ang ‘left ka Alden.’ Nang finally nakita na niya ang sundo niya, sumunod pa rin ang fans although malayo at para raw sure silang makakarating na safe si Alden sa hotel, kinunan nila ng picture ang car at ang plate number nito.

Nagpasalamat sa kanila si Alden, at saka lang sila umalis.

Safe ngang nakarating si Alden sa hotel at inabutan niyang naghihintay ang Dabarkads with Mr. Tony Tuviera and wife, mag-asawang Vic at Pauleen Sotto, Joey de Leon at wifeEileen.

Namasyal/shopping na sila at sina Alden at Maine ang naging yaya ni BaeBaste atRyza Mae Dizon.

Muling nag-treat for dinner si Mr. T. at pagkatapos ay namasyal na sila.

Sina Alden at Maine ang paboritong kunan ng picture ng mga kasama kaya maraming pinagpistahang posts ang fans sa Instagram accounts nina Pauleen Luna-Sotto, Ryza Mae, Ruby Rodriguez, Paolo Ballesteros, lalo na ang kuha sa isang car na sa halip na numbers ang nakasulat sa plate number ay “I Love You” at doon sila pina-pose.

Pabalik na ngayong Wednesday ang Dabarkads dahil bukas, live na ang Eat Bulaga. Masayang-masaya ang lahat dahil three days silang nakapapaghinga at nakapamasyal sa Hong Kong, courtesy of Mr. T.